I. panimula
A.panukalang pahayag.
A.panukalang pahayag.
- Anu-ano ang mga nararanasan ng isang single mother sa pagkakaroon ng negosyo?
B. introduksyon
~pagtukoy sa paksa~
- Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kung paano nagiging matagumpay na negosyante ng isang single mom.
~Paglalahad ng suliranin~
- Paano sila nagiging matagumpay sa kabila ng pagiisa nila?
- Anu ano ba ang pinagdaraanan ng isang single mother?
- Ano ang nagmomotivate sa isang single mother na itaguyod ang kanyang negosyo?
- Paano nahahti ang oras sa pamilya at negosyo?
~Kaligiran ng paksa~
- A single parent family is a family where there is only one parent and one or more children living together in a home.
~Personal na udyok sa pagpili ng paksa~
- Gustong malaman ng mga mananaliksik ang totoong nangyayari sa buhay ng isang single mom at kung paano sila nagiging matagumpay sa kanilang negosyo,kung mayroon man.
C.Rebyu
Ang “rags to riches” ay ang mga taong nagsimula sa hirap sa kabila ng mga balakid sa kanilang buhay na naging resulta ang kanilang tagumpay. Ang buhay ay maihahalintulad natin sa isang gulong na umiikot,minsan nasa baba at minsan nasa itaas. Dito makikita ang lakas ng loob ng isang tao,kung paano siya sasakay sa gulong ng buhay. Maraming tao ang sumusuko kaagad sa laban ng buhay ngunit dapat may paninindigan sila upang makuha nila ang tagumpay na kanilang minimithi.Kaya napili ng aming grupo ang “single mom” dahil maraming mapupulot na aral dito.Tumaya sila sa hamon ng buhya sa kabila ng pagiging “single mom”. Mahirap ang ganitong sitwasyon dahil mag-isa lamang sila sa pagtataguyod ng kanilang negosyo.Humahanga an gaming grupo sa mga taong ito, dahil buo ang loob nila upang harapin ng magisa ang hamon ng buhay.Ang “single mom” na nagsimula lamang sa maliit na negosyo ay isa halimbawa lamang ng “rags to riches”.
D. Layunin
- Layunin ng papel na ito na higit na mapagaralan at maintindihan kung paano namumuhay ang isang single mother.
- Layunin din nito na makapagambag ng kaalaman para sa ga taong nais na malaman ang mga bagay-bagay ukol sa mga singlemother.
- Layunin nito na maimulat ang mga tao sa reyalidad na mahirap mamuhay ng walang katuwang sa buhay.
- Layunin nito na makadagdag ng mga datos na kakailanganin ukol sa higit na malalim na pagaaral sa paksang nabanggit.
E.
- Ang halaga ng papel na ito ay upang maipakita sa bawat tao ang hirap na nararanasan ng isang single mother para sa kanyang pamilya,upang higit nilang maintindihan ang kalagayan ng isang single mother.
- Mahalaga itong papel na ito sa mga single mother na nais makahanap ng pagasa na maitaguyo ang pamilya nila.
F.

Ang negosyanteng single mom ay may responsibilidad sa kanyang negosyo at anak ngunit may mga panahon na hindi niya nababalanse ang oras niya kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa oras na hindi niya mabalanse ang oras niya at matuunan lamang ng pansin ang kanyang anak ay mawawalan siya ng kita at kapag nawalan siya ng kita wala siyang pera pantaguyod sa kanyang pamilya.Sa oras naman na matuunan lamang niya ng pansin ang kanyang negosyo, may posibilidad na ang kanyang anak ay magrebelde dahil sa kalungkutan at pakiramdam na nagiisa lamang siya. Eto ang mga bagay na pinagdadaanan ng mga single mother.
G.

Ang negosyanteng single mom ay may responsibilidad sa kanyang negosyo at anak ngunit may mga panahon na hindi niya nababalanse ang oras niya kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa oras na hindi niya mabalanse ang oras niya at matuunan lamang ng pansin ang kanyang anak ay mawawalan siya ng kita at kapag nawalan siya ng kita wala siyang pera pantaguyod sa kanyang pamilya.Sa oras naman na matuunan lamang niya ng pansin ang kanyang negosyo, may posibilidad na ang kanyang anak ay magrebelde dahil sa kalungkutan at pakiramdam na nagiisa lamang siya. Eto ang mga bagay na pinagdadaanan ng mga single mother.
G.
- Ang pananliksik ay gagawin sa pamamagitan ng pagkalap ng tamang mga impormasyon sa mga libro,artikulo,journals at sa internet.
H. Saklaw/delimitasyon
- Sa pagiging matagumpay na negosyante ng isang single mother nakatuon ang pananliksik, ngunit maipapaliwanag din dito kung ano ang mga pinagdaanan ng isang single mother bago makamit ang tagumpay.
I.
Ang pananaliksik na ito ay nahhati sa tatlong yugto:
Ang pananaliksik na ito ay nahhati sa tatlong yugto:
- Unang yugto, bibubuo ng introduksyon na binubuo ngpanukalang pahayag, metodolohiya, mga layunin etc. ang kabanatang ito ay ang sentro ng buong pannaliksik.
- Pangalwa, ay ang paglalahad ng history ng paksa at ang mga datos at interbyu na isinagawa.
- Pangatlo, ay nagsasaad ng mga interpretasyon ng grupo sa mga datos at interbyu, ang konklusyon at ang rekomendasyon.
II. katawan
A.
| Year | Families headed by female single parents (%) | Families headed by male single parents (%) | Single-parent families (%) | Two-parent families (%) |
| 1961 | 9.0 | 2.5 | 11.4 | 88.6 |
| 1966 | 9.0 | 2.2 | 11.2 | 88.8 |
| 1971 | 10.4 | 2.8 | 13.2 | 86.8 |
| 1976 | 11.6 | 2.4 | 14.0 | 86.0 |
| 1981 | 13.7 | 2.9 | 16.6 | 83.4 |
| 1986 | 15.5 | 3.3 | 18.8 | 81.2 |
| 1991 | 16.5 | 3.5 | 20.0 | 80.0 |
- Makikita sa tsart na ito ang paglake ng ratio ng mga single mothers sa bansa,ngunit hindi lahat sa kanila ay may negosyo at naitataguyod ng maayos ang kanilang pamilya. marahil ngayong taon na ito ay mas malaki pa ang porsyento nila,at payuloy pang lalaki sa mga susunod na taon dahil sa mga babaeng namamli ng pagpili ng kanilang nakakasama.
- “What is the essence of a woman? The essence of a woman is being a mother.” Ito ay isa sa mga pinakasikat na tanong at sagot sa isang beauty pageant. Siguro nga, ang esensya ng pagiging babae ay ang pagiging ina. Bagkus, mahirap maging nanay: bilang ina, higit na mahirap kung wala kang katuwang sa pagpapalaki ng iyong pamilya at negosyo. Subalit, hindi ito sapat na dahilan upang hind imaging matagumpay sa pagpapataguyod ng pamilya at sa pagpapatakbo ng napiling propesyon. Mula dito mahihinuha na ang pagiging kumpleto ng isang babae imbis na kasiyahan at kabuuan bilang babae ang dulot ay nagreresulta pa sa isang suliranin –ang pagiging single mom. At dahil na rin sa isa pa ring babae at tao ang isang single mom,kakailanganin pa niyang balansehin ang pamilya na siya naming dapat maging kapantay ng trabaho kasama na ang pagaalaga sa sarili.
B.
Nagsaliksik ang mga mananaliksik ng isang single mother na makaksagot sa mga katanungan ng papel na ito.Natagpuan ng mga mananaliksik si Jazmine Santillan,32 taong gulang na may-ari ng isang grocery sa Las pinas at may isang anak na babae na limang taong gulang. 27 taong gulang lamang si jazmine nang iwanan siya ng kanyang asawa para sa isa pa nitong karelasyon.
Ibinahagi ni jazmine ang kanyang mga sekreto sa negosyo at kung paano siya naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kanyang napagdaanan. Ayon sa kanya "mahirap magumpisa sa wala,lalo na't wala akong katuwang sa buhay".Tanging ang muntiing anghel niya lamang at ang pananalig sa diyos ang pinagkukuhaan niya ng lakas ng loob upang maging matagumpay sa buhay. Nabanggit din ni jazmine na noong una nahihirapan talaga siyang ibalanse ang oras niya sa kanyang anak at sa kanyang negosyo lalong lalo na nung sanggol pa lamang ang kanyang anak,ngunit sa kanyang determinasyon hindi iyon naging hadlang upang mapabayaan niya ang kanyang negosyo. Natatakot si jazmine noon na baka sa kanyang pagiging busy,maapektuhan ang paglaki ng bata. Ayon sa kanya " ayoakong maging deprive ang anak ko sa pagmamahal ng isang magulang". Ang nagiisang payo niya lamang sa mga kagaya niya ay huwag mawalan ng pagasa at gawing inspirasyon ang pamilya.




II. PANGWAKAS
Ang aming natutunan sa aming nakapanayam ay meron pa palang mga “single mother” na naghihikayat para gawin ang lahat para sa kanilang pamilya. Ginagampanan rin nila ang parte bilang isang ama sa kanyang mga anak. Kahit papano ay nakaraos rin sila sa mga hirap na kanilang kinaharap. Marami kaming napulot na aral habang kinakapanayam naming si ginang Jazmine Santillian. Ito ay ang pagpapakita niya sa amin ng determinasyon sa pagtatagumpay sa laban ng buhay.
B.kongklusyon
Natuklasan ng mga mananaliksik dito sa pagsasaliksik na kahit wala ng katuwang ang isang ina sa pagpapatakbo ng negosyo ay nagagawa niya parin ito ng maayos at kahit ganoon naitataguyod at pinupunan niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak. na maraming pagsubok ang kanilang dinaanan pero sa kabila ng lahat nagsisikap parin sila upang mairaos ang kanilang pamilya. Marami kaming natutunan na magandang asal na maaari naming isabuhay sa araw-araw,tulad ng pagiging determinado at pagkakaroon ng lakas ng loob na humarap sa bawat pagsubok na maaaring dumating sa ating buhay. natuklasan ng mga mananaliksik na sadyang matitibay ang loob ng mga nanay,lahat ay kaya nilang gawin para sa kanilang anak.
C.rekomendasyon
Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang papel na ito sa mga taong may problema sa kawalan ng kabalikat sa buhay.Ito ay inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga babaeng may pamilya na mag-isa lamang nagpapatakbo ng kanyang negosyo. Ang papel na ito ay kaya silang tulungan upang magkaroon sila ng karagdagang impormasyon sa pagnenegosyo at iba pang mga pagsubok na pinagdadaanan sa kanilang buhay.